29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Maling pag-dispose ng mga PPE’s ng mga health workers, may babala ang WHO kaugnay rito

- Advertisement -

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) kaugnay sa maling pag-dispose ng mga health workers sa mga personal protective equipments (PPE’s).

Ayon kay Dr. Takeshi Nishijima, mas malaki ang tiyansang mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga health workers kapag hindi umano ito sumunod sa tamang protocol ng paghuhubad ng PPE.

Aniya, mas mainam na mag-alcohol agad sa kamay ang mga ito pagkahubad ng PPE’s kaysa maghugas ng kamay gamit ang tubig at asin.

Dagdag pa nito, na dapat maglagay ang mga ospital ng mga alcohol sa bawat pinto ng mga pagamutan.

Pinapayuhan naman ng WHO ang publiko na sumunod sa tamang health protocol at hanggat maaari ay manatili sa kani-kanilang mga tahanan at maghugas ng kamay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -