34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Malawakang kilos protesta ng iba’t ibang militanteng grupo kasado na sa SONA 2019

- Advertisement -

Kasado na ang malawakang pagkilos ng iba’t ibang militanteng grupo sa araw ng SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Sentro ng malawakang protesta ang panawagan ng mga militante na ipaglaban ang Pilipinas, ang soberanya, kabuhayan at demokrasya laban sa China at rehimeng Duterte.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), target ng pagkilos ang anila’y pangangamkam ng China sa karagatan at islang pag-aari ng Pilipinas.

Magsusuot ng asul na damit ang mga militante habang may bitbit na placard na korteng isda at iba pang yamang dagat.

Alas-tres ng hapon magsasama-sama na ang mga grupo sa tapat ng St. Peter’s Church sa Commonwealth para pormal na simulan ang programa na tatagal hanggang alas-sais ng gabi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -