28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Malawakang balasahan sa PNP, utos ni Duterte — Gamboa

- Advertisement -

Utos ni Pang. Rodrigo Duterte ang isinagawang malawakang balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang binigyang diin ni PNP-OIC Police Lt. Gen. Archie Gamboa kung saan kinumpirma nito na nagmula mismo sa Pangulo ang nangyaring revamp.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Gamboa na sasailalim sa tatlong buwang evaluation ang mga bagong talagang pinuno ng PNP sa iba’t-ibang posisyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Aniya, tatlong buwan ding under probation ang lahat ng nasa key positions ng PNP.

Kasabay nito, ipinag-utos din ni Gamboa ang pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng pending promotion ng mga opisyal ng pambansang pulisya.

Sa ngayon, tiniyak ni gamboa na kumikilos ang pnp upang tuluyan nang matuldukan ang katiwalian sa kanilang hanay at masawata ang operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Now, we admit that there’s a directive from the President based on the command conference na hinold doon sa Malakanyang. So, I convened directorial staff and a few national seperate unit, together with the command group last Saturday. So, sabi ko sa kanila we have a directive, we had to have a revamp what would be the basis. So, pinag-usapan namin, so, it’s not only performance because true maraming gumawa ng, maganda naman ang kanilang mga accomplishments. So, very nail naman yung performance kasi kung titignan mo naman yung rating ang pinakamababang Region is 84%, so, far beyond na kung ordinaryong grading system, passing,” ani Gamboa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -