Malalimang imbestigasyon sa namatay na security aide ipinagutos ng Pangulong Duterte

0
43

Magsasagawa ng patas at mas malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng isang security aide ng dating mambabatas sa Cainta, Rizal.

Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang naturang kaso hanggang sa makulong ang mga salarin at utak sa krimen.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kinokondena ng Malakanyang ang naganap na insidente.

Matatandaang nasawi si Richard Santillan na security aide ni dating Biliran Representative Glenn Chong matapos umanong makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis.