34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Malakanyang walang kinalaman sa pag-atras ng bill para sa ABS-CBN provisional franchise

- Advertisement -

Nilinis ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Malakanyang sa isyu ng pagbawi at pagbasura ng Kamara sa panukalang batas na magbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN.

Ayon kay Cayetano, hindi kailanman makikialam sa mga aktibidad ng ibang sangay ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Higit na aniya sa usapin ng pagbibigay ng prangkisa sa media network na natatanging karapatan lamang ng lehislatura.

Iginiit ni Cayetano, patas ang Pangulo at hindi nito dinidiktahan ang kongreso sa usapin kung pagkakalooban o hindi ng prangkisa ang ABS-CBN.

Binigyang diin naman ni Cayetano na kanila pa ring ipatatawag ang National Telecommunications Commission (NTC) at Office of the Solicitor General (OSG) para pagpaliwanagin kaugnay ng kautusang nagpapasara sa network.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -