36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Malakanyang umaasa ng hustisya sa Maguindanao Massacre Case

- Advertisement -

Umaasa ang Malakanyang na mananaig ang hustisya sa nalalapit na pagbaba ng hatol sa Maguindanao Massacre Case.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naniniwala silang magdedesisyon ang Korte batay sa mga inilatag na ebidensiya.

Samantala, tumanggi naman si Panelo na magbigay ng sariling opinyon sa kaso.

Magugunitang, naging abogado noon ng pangunahing akusado sa Maguindanao Massacre Case na si dating Datu Unsay Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. si Panelo.

Nakatakda namang magbaba ng hatol sa kaso ang Korte sa Huwebes, December 19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -