35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Malakanyang nilinaw na hindi nawalan ng pondo ang PCSO

- Advertisement -

Hindi nawalan ng pondo ang PCSO kundi naantala lamang ang pasok ng pera sa kaban ng bayan.

Nilinaw ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng apat na araw na pagpapasara sa nasabing ahensya.

Sinabi ni Panelo na kahit una nang ipinag utos ng pangulo ang tigil operasyon ng lotto at iba pa, ang pangulo pa rin aniya ang gumawa ng paraan at hindi nawala ang 240 million pesos.

Maaari pa rin naman aniyang kitain ng PCSO ang 250 million pesos halaga dahil balik operasyon ang lotto.

Kasabay nito, pinayuhan ng Palasyo ang mga humihingi ng medical assistance sa PCSO na dumulog na rito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -