Tiniyak ng Malakanyang na mabibigyan ng ayuda ang mga biktima ng 6.6 magnitude na lindol sa Masbate.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, laging handa ang pamahalaan sa kahit anong kalamidad na tumama sa bansa.
Aniya, posible rin aniyang magtungo ang Pangulo sa Masbate para bisitahin ang mga nabiktima ng lindol.
Magugunitang nasawi ang isang retiradong pulis habang sugatan naman ang nasa mahigit 20 sa naturang lindol.