33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Malakaniyang nagbunyi sa pagkapanalo ni Pacman

- Advertisement -

Nagpaabot ng pagbati ang Malakaniyang sa tagumpay ni Fighting Senator at Pambansang Kamao Manny Pacman Pacquiao kontra kay Keith Thurman

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na ang panalo ni Pacquiao sa Boxing Ring ay panalo ng bawat mamamayang pilipino

Muli, ipinakita ni Pacquiao sa buong mundo ang tapang at bangis ng mga pilipino sa pagharap sa iba’t ibang mga hamon ng buhay gayundin naman ay inilagay nito sa pedestal ng katapangan ang watawat ng pilipinas

Bagama’t higit na mas bata si Thurman, hindi natinag si Pacman sa kaniyang edad at ipinakita nitong siya pa rin ang Pound-For-Pound King para sa mga pilipino

Sa panig naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, umaasa siyang patuloy na magiging inspirasyon at huwaran ng kababaang loob si Pacman sa mga kabataan

Kasunod nito, nagpasalamat ang palasyo kay Pacquiao sa paghahatid nito ng tagumpay at karangalan para sa sambayanang pilipino saanmang panig ng mundo

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -