28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Makabayan Bloc itinangging nasa likod ng mga Chinese tarpaulin sa mga overpass  

- Advertisement -

Itinanggi ng Makabayan Bloc sa Kamara na sila ang nasa likod nang pagkakabit ng tarpaulin sa ilang pedestrian overpass sa Metro Manila kung saan nakasaad ang mga katagang Welcome to the Philippines, Province of China.

Ayon kay Bayan Muna Party List Representative Carlos Isagani Zarate wala silang pondo para isagawa ang nasabing gimik.

Sakali mang may pondo sila ipinabatid ni Zarate na gagamitin nila ito sa mas makabuluhang bagay tulad nang paghahanda nila sa mga pagkilos sa mismong SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

May hinala ang Makabayan Bloc na ang anila’y dark joke ay pakana ng ibang kritiko ng Pangulo para ipakita ang realidad sa Pilipinas sa pamamagitan ng sarcasm.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -