30.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mahirap man, mayaman posibleng tablan ng COVID-19 —DOH

- Advertisement -

Iginiit ng Department of Health (DOH) na walang sinisino ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) –mahirap man o mayaman.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang ebidensya na mayroong immunity sa COVID-19 ang isang sektor ng lipunan tulad ng mahihirap.

Ipinaliwanag ni Vergeire na kaya ng mga nasa middle at upper class ng lipunan ang unang tinamaan ng COVID-19 ay dahil sila ang bumibiyahe sa abroad kung saan nagmula ang COVID-19 at sila rin ang madalas sa mass gatherings tulad ng conferences, convention at iba pa.

Hindi anya ito nangangahulugan na mayroong immunity sa COVID-19 ang mga nasa lower class.

Una nang sinabi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na batay sa kanilang pakikipag-usap sa iba’t ibang grupo tila napuna nila na tila immune sa COVID-19 ang mga mahihirap.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -