34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Mahigpit na protocols sa pagbabalik ng MRT 3 isinagawa

- Advertisement -

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasalita, kwentuhan o pagsagot o pagtawag sa telepono sa bisinidad at tren ng MRT 3 upang maiwasan ang hawan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bahagi ito ng mas pinaghigpit na protocol sa pagbabalik operasyon ng MRT 3 matapos magpositibo sa COVID-19 ang halos 200 mga tauhan nito.

Ayon kay Engr. Mike Capati ng MRT 3, buong linya ng MRT at depot nito ang kanilang dinisinfect.

Sa ngayon aniya ay naka-quarantine na ang mga nagpositibo nilang tauhan na karamihan naman  anya ay pawang asymptomatic.

Sinabi ni Capati na 13 tren ang tumatakbo ngayong araw at nasa 9 hanggang 10 minuto ang pagitan ng pagdating ng mga ito sa kada istasyon.

Bagamat naka-PPE anya ang lahat ng tauhan ngayon ng MRT 3, hinihikayat nila ang mga pasahero na gumamit na lamang ng beep card para sa cashless transaction.

Sa ngayon ini-encourage namin yung paggamit ng beep card sa bigayan ng ticket sa mga tren natin pero kung hindi talaga maiwasan mas maganda sana kung eksakto na yung ating ibabayad para wala nang suklian, naka-gloves naman yung mga personnel natin pero much better na rin sana kung beep card ang gagamitin”, ani Capati. — panayam mula sa Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -