33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mahigit P200,000 halaga ng shabu nasabat sa Navotas

- Advertisement -

Arestado ng Navotas City Police Office ang dalawang suspek sa pagtutulak ng illegal na droga sa bahagi ng dagat-dagatan sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang mga ito sa alyas na Tirso at Jecjec na nasakote sa ikinasang buy bust operations sa Brgy. North Bay Boulevard South.

Nakuha sa mga ito ang kabuuang 15 sachet ng shabu sa operasyong pinangunahan ng station drug enforcement unit.

May timbang itong 32 at kalahating gramo na nagkakahalaga ng P220,000.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -