- Advertisement -
Iniwan ng bagyong ‘Tisoy’ na walang matitirhan o bubong na masisilungan ang nasa mahigit 600 pamilya sa Albay.
Ito ay matapos hagupitin ng bagyong ‘Tisoy’ ng walong oras ang Coastal Village sa Albay noong gabi ng Lunes, December 2.
Batay sa tala ng Albay Public Safety Emergency ManagementOoffice, mahigit 600 ang napinsalang kabahayan sa Albay na aabot sa 29 milyong piso ang halaga.
Samantala, inaasahan namang lalaki pa ang bilang ng mga pamilya at kabahayan na nasalanta sa patuloy na pag iikot pa sa 15 munisipalidad sa naturang lugar.
- Advertisement -