Radio Philippines Network
National News

Mahigit 50 medalya nasungkit ng Team PH sa patuloy na 30th SEA Games

Halos 50 medalya na ang nasungkit ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Sa pinaka-huling update ngayong araw, umabot na sa kabuuang 53 na medalya ang nasungkit ng pilipinas.

Sa naturang bilang, 27 dito ang gintong medalya, 17 ang pilak na medalya at 9 dito ang tansong medalya.

Pumapangalawa naman sa pwesto ang Vietnam na mayroon nang 32 medalya kung saan 10 rito ang gintong medalya, 13 naman ang pilak, at siyam dito ang tansong medalya.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Thailand na mayroon ng 20 medalya, kung saan lima rito ang ginto, apat ang pilak at 11 ang tanso.

Matatandaang, nito lamang Sabado ng pormal na buksan ang 30th SEA Games kung saan 11 bansa ang mag-tatagisan ng galing sa larangan ng pampalakasan.

Related posts

DOH may babala kaugnay sa mga sasakyang matagal na nakababad sa araw

Powered by DWIZ

DICT labas sa gusot ng mga kumpanyang nag-bid para sa 3rd telco

Powered by DWIZ

Water level ng Luzon dams nabawasan

Powered by DWIZ