- Advertisement -
Tinatayang nasa mahigit 17.1-M pamilya na ang naabutan ng ayuda ng gobyerno sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Batay sa pinakahuling datos ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD), mula sa pagtayang 17.1 milyong pamilya na nakatanggap ng cash aid, mahigit 4.1 dito ay pawang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) habang ang 12.8-M naman ay non-4P’s beneficiaries.
Samantala, nasa 62,028 namang mga public utility vehicle drivers (PUV) ang nabigyan rin ng tulong pinansyal ng pamahalaan.
Sa ngayon nasa P96.7-B na ang kabuuang pondo na nailabas ng gobyerno para sa SAP.
- Advertisement -