Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Magnanakaw sumasalakay sa ilang bayan sa Batangas

Nagkakanakawan na sa ilang bayan sa Batangas na apektado ng pag aalburoto ng Bulkang Taal.

Nagreklamo ang ilang residente ng Laurel at Agoncillo na mayroong mga magnanakaw na sumasalakay sa kanilang iniwang mga tahanan kapag wala na ang mga bantay dito.

Isa sa mga napaulat na nawawala ay ang isang television set.

Una nang binawalan na manatili at bumalik sa kanilang tahanan ang mga residente partikular sa mga bayan na inilagay sa lock down para na rin sa kaligtasan ng mga ito.

Istrikto mang nagbabantay dito ang mga otoridad ay nakakapuslit pa rin ang ilan para masilip ang kanilang mga iniwang tahanan.

Related posts

Paggunita sa mga biktima ng ‘EJK’ tuwing August 16 isinulong sa Senado

Powered by DWIZ

Dapat gawing priority ang pag aaral sa partylist system — Lagman

Powered by DWIZ

Cimatu hinikayat ang publiko na bawasan ang basura ngayong kapaskuhan

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More