Radio Philippines Network
Image default
Sports & Entertainment

Lou Williams sumailalim na sa 10-day quarantine

Sumailalim na sa 10 araw na quarantine si Los Angeles Clippers point guard Lou Williams matapos mabunyag ang pagpunta nito sa isang strip club sa Atlanta.

Kasunod ito nang paglabas ng litrato ng rapper na si Jack Harlow kasama si Williams na naka-NBA facemask at may hawak na inumin habang nasa Magic City Strip Club gayung ang unang paalam ay tutungo lamang sa burol ng ama ng isang kaibigan niya.

Sinabi ni  Williams na kumain lamang sila ng isang kaibigan sa lugar na wala naman aniyang babaeng entertainers.

Dahil sa 10 araw na quarantine hindi makakalaro ang tinaguriang Sixth Man of the Year sa unang dalawang games ng Clippers sa restart ng NBA.

Sa July 31 makakaharap ng clippers sa isang inaasahang exciting game kontra sa Los Angeles Lakers at sa August 2 kontra sa New Orleans Pelicans.

Related posts

Shawn Porter tiwalang mapipiling susunod na kalaban ni Manny Pacquiao

Powered by DWIZ

Heart Evangelista rarampa sa Paris Fashion Week

Powered by DWIZ

Bagong baby ni Andi Eigenmann bininyagan na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More