Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Local test kits ng Pilipinas para sa COVID-19 naghihintay pa ng ‘go-signal’ mula sa WHO

Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang go signal ng World Health Organization (WHO) para makalikha ang Pilipinas ng rapid test kits para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hihilingin ng DOH sa WHO na mapabilis ang validation process para magamit ang test kits para sa mas mabilis na pagsusuri sa mga may sintomas ng COVID-19.

Kaugnay sa rapid test kits, nagkakaroon na ng ugnayan ang Department of Science and Technology sa isang grupo ng mga scientist sa University of the Philippines na nakagawa ng kits.

Sa ngayon ang pagsusuri ng mga pasyenteng hinihinalang may COVID-19 ay ginagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng DOH.

Related posts

Cayetano sa mga pinatalsik sa pwesto sa Kamara: Mas gusto ng intriga kaysa magtrabaho

Powered by DWIZ

Chinese nationals nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming deportation cases

Powered by DWIZ

Typhoon Kammuri lumakas pa— PAGASA

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More