35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Liza Soberano, Enrique Gil magkasamang ipagdiriwang ang Pasko sa Amerika

- Advertisement -

Magkasamang ipagdiriwang ng magka-loveteam at makasintahang sina Liza Soberano at Enrique Gil ang Pasko sa Estados Unidos.

Ayon kay Liza, pupunta siya ng Amerika ngayong Pasko para makasama ang kanyang pamilya gayundin si Enrique at pamilya nito.

Gayunman, sinabi ni Liza na mas magiging maikli ang kanyang holiday break ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon dahil magsisimula na aniya sila ni Enrique na magtrabaho para sa kanilang bagong teleserye.

Kuwento pa ni Liza sa kanyang holiday trip, una niyang pupuntahan ang Los Angeles para makasama ang pamilya sa araw ng Pasko.

Saka naman siya magtutungo ng Hawaii kasama si Enrique para naman makasama ang mommy ng aktor sa pagsalubong ng bagong taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -