29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Listahan ng mga inmates na maagang nakalaya sa bisa GCTA ipina-susumite ng DOJ

- Advertisement -

Inatasan na ng Department of Justice ang BuCor o Bureau of Corrections na isumite ang listahan ng mga inmates na maagang nakalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance law (GCTA).

Ito ay kaugnay ng panibagong nabunyag na isyu kung saan napabatid na kabilang ang isang Janet Lim Napoles sa mga nakalaya dahil sa GCTA .

Ngunit sa isinumiteng listahan na BuCor ay “rape” ang kasong kinakaharap ni Napoles habang “plunder” naman ang kasong kinakaharap ng tinaguriang “pork barrel queen”.

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco, inaasahan niya na maisusumite ng BuCor ang hinihingi nilang listahan sa lalong madaling panahon.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Marco hindi pa rin naipapaliwanag ng BuCor ang naturang listahan.

Aniya, kung hindi rin magiging malinaw ang paliwanag ng BuCor hinggil sa naturang listahan ay magsasagawa na sila ng sariling imbestigasyon.

Ngunit paliwanag pa ng opisyal, pinagbigyan niya ang palugit na inihirit ng BuCor para ipaliwanag at isumite ang malinis na listahan ng mga maagang napalaya sa ilalim ng GCTA.

Samantala, inamin naman mismo ni dating BuCor chief Nicanor Faeldon na may naging pagkakamali lamang sa pagkakasama ng pangalan ni Napoles sa naturang listahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -