Liquid marijuana nasabat ng Customs sa Pasay City

0
112

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi pa mabatid na halaga ng liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center, sa Pasay City.

Napag-alamang mula sa San Diego, California sa Estados Unidos ang mga iligal na droga na binitbit ng isang menor de edad na babae.

Hindi naman idinetalye ng BOC ang pagkaka-kilanlan o nationality ng babae na itinurn-over na sa Philippine Drug Enforcement Agency at isinailalim sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.

Sa ilalim ng Marijuana Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay itinuturing na peligroso ang marijuana.