33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Lalawigan Ng Camarines Sur Binalaan Ng IATF Sa Tumataas Na Kaso Ng Covid-19, Maaring Itaas Ang Quarantine Classification

- Advertisement -




Iriga City – Nagpalabas ngayon ng babala ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na maaaring ilagay sa mataas na antes ng quarantine classification ang lalawigan ng Camarines Sur kung di nito mapapaganda ang healthcare utilization rate at mapababa ang growth at daily attack rate ng virus.

Ito ang laman ng sulat ng IATF kay Governor Migz Villafuerte ng Camarines Sur matapos na umabot sa critical risk level ang mga ICU beds sa iba’t-ibang ospital na nangagahulugan na malapit na itong mapuno.

Dahil dito, magkakaroon ng Enhanced Monitoring Period ang DOH haggang sa ika-11 ng Hunyo upang malaman kung nagkaroon ng pagbaba ng kaso at kung wala maaaring mag-rekomenda ang IATF na ilagay sa mas mahigpit na quarantine classification level ang buong lalawigan.

Una rito, inulat na ng Bicol Medical Center sa Lungsod ng Naga na puno na ang kanilang mga ICU beds at nangangailangan magdagdag pa ng bed capacity upang matugunan ang ipapasok na bagong pasyente.

Bilang tugon sa problema, nagmungkahi ang IATF kay Villafuerte na dagdagan ang mga ICU beds sa mga ospital upang matugunan ang pangangailangan ng mga severe at critical na kaso, pag-transfer sa mga step-down facilities ng mga nagpapagaling na lamang na pasyente, paigtingin ang contact tracing sa loob ng 24 oras, ma-isolate lahat ang mga suspected, probable sa confirmed cases habang nasa mga isolation facilities pa lamang at palakasin ang monitoring performance upang mapababa ang kaso sa early detection to isolation sa loob ng 5 araw. (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

(Source: IATF Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -