36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Lalaki, Patay Matapos Pagbabarilin Ng Isang Riding In Tandem Sa Iriga City; Mga Suspek Pinaghahanap Pa

- Advertisement -

Iriga City – Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang riding in tandem sa Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Ben John Murcia, 39-anyos, residente ng Zone 5, Tambo, Buhi, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang papunta sana ang biktima habang minamaneho ang kaniyang motorsiklo na may sidecar lulan sina Jose Billiones, 50-anyos, Merced Merilles-Billiones, 49-anyos at Mark Vincent Merilles, 19-anyos, residente rin ng nasabing bayan mula sa Buhi papunta sana sa Iriga nang dito na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital na kalaunan ay binawian ng buhay.

Kaugnay nito, narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang anim na piraso ng fired cartridge case at isang deformed slug ng pinaniniwalaang Cal. 45 na baril.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente gayundin ang pagtunton sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

(Source: PNP Iriga City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -