35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Lacson kumpiyansang maitatama pa ni Albayalde ang pagkakamali nito

- Advertisement -

Kumpiyansa si Senator Panfilo “Ping” Lacson na kakayanin pa ni PNP o Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na itama ang kaniyang pagkakamali sa nalalabi niyang araw bilang PNP chief.

Ayon kay Lacson, sapat pa ang natitirang 34 na araw ni Albayalde upang pa-imbestigahan ang ma-anomalyang drug operation na kinasangkutan ng kaniyang mga tauhan noong siya pa ay provincial director ng Pampanga.

Kaugnay nito, aminado rin naman si Lacson na maging siya ay may pagdududa na kay Albayalde matapos ang mga isiniwalat sa pagdinig sa Senado.

Matatandaang, nasa ilalim ng pamumuno ni Albayalde ang 13 pulis na sinasabing “ninja cops” o ang mga tiwaling pulis na nagre-recycle ng illegal drugs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -