30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Labi ng mga sundalong nasawi sa shootout sa Sulu binigyan ng military arrival honors sa Villamor Airbase

- Advertisement -

Pinagkalooban ng military arrival honors ang tatlo sa apat na sundalong nasawi sa shootout sa Sulu sa pagdating ng kanilang labi sa Villamor Airbase.

Mismong si Philippine Army Chief Lt. General Gilbert Gapay ang sumalubong sa mga labi nina Major Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod at Sgt. Jaime Velasco samantalang ang burial rites para kay Corporal Abdal Asula ay ginawa na sa Sulu.

Tiniyak ni Gapay na ipagkakaloob ng militar ang lahat ng tulong sa pamilya ng mga biktima.

Nangako rin si Gapay na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mga kasamahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -