Konstruksyon ng permanenteng evacuation centers iginiit ni Pangulong Duterte

0
55

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ng kumilos ang gobyerno para bumuo ng mga istraktura o permanenteng evacuation centers para sa mga evacuees.

Ito’y matapos ang pinsalang iniwan ng pananalasa ng bagyong Usman sa bansa.

Ipinahayag ng pangulo sa kanyang pinangunahang situation briefing sa Camarines Sur na malaking abala sa mga mag-aaral ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation centers.

Kasunod nito ang pag-atas ng pangulo kay Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairperson Eduardo Del Rosario na planuhin na ang pagbuo ng mga permanenteng evacuation centers sa bansa.