Konseho ng siudad ng Baguio pinatawag ang mga opisyal ng Baguio City Public Market Division para ipaliwanag ang bagong patakaran ng Block Market 3 at 4

0
6

Baguio City – Muling iimbitahan ng lokal na konseho ng lungsod ng Baguio ang Market superintendent ng Baguio city public Market at ang ingat yaman ng Lungsod ng Baguio sa susunod na session nito.

Ang mga lokal na tagagawa ng batas sa Lungsod ng Baguio ay kanilang napagkasunduan na tawagin ni Baguio City Public Market Superintendent Ceasar M. Emilio at si City Treasurer Alex Cabarubias sa susunod nilang pagpupulong upang kanilang ipaliwanag ang mga alituntunin sa pampublikong pamilihan ng Lungsod ng Baguio particular na mga nasunugan sa Blocks 3 at 4.

Sa isang resolusyon ni Konsehala Maria Mylen Victoria G. Yaranon, kanyang ipinaliwanag na mahalaga na maimbitahan ang dalawang mga opisyal upang ipaliwanag ang alituntunin sa pampublikong pamalihan ng Lungsod ng Baguio na nagkakaroon ngayon ng kaguluhuhan kung saan mapupunta ang mga dating vendors nasa blocks 3 at 4.

Kamakailan lamang, ang Konseho ng lungsod ng Baguio ay nagpasa ng Resolution No. 174, series of 2023 na sumusuporta sa pansamantalang paglilipat ng mga nasunugan na mga maninininda sa Blocks 3 at 4 of Pamilihang bayang ng Lungsod ng Baguio upang ipagpatuloy ang kanilang paghahanap buhay sa dati nilang lugar upang maging maginhawa sa mga mamimili. 

Sinabi ng naturang konsehala na ang mga alituntunin na ginagamit ng mga naturang opisina ng local na gobierno ay nagdudulot ng pagkalito sa mga nasunugan na mga vendors sa blocks 3 at 4, kaya nararapat lamang sa mga naturang opisyal ng lokal na gobierno na magkaroon ng paliwanag bago lumalala pa ang situasyon. (Joel Cervantes | Jimmy Bernanbe, photo courtesy of Baguio City Market)

Leave a Reply