Kongreso natanggap ang unang report ni PRRD kaugnay sa bayanihan act

Kongreso natanggap ang unang report ni PRRD kaugnay sa bayanihan act

by Powered by DWIZ
52 views

Natanggap na rin ng House of Representative ang unang report mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng ginagawang hakbang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng bayanihan to heal as one act.

Ayon kay Deputy Speaker Luis Raymond Villafuerte, naisumite na sa mababang kapulungan ni Pangulong Duterte ang kanyang report bagama’t hindi aniya ito nababasa.

Magugunitang nakasaad sa Republic Act 11469 na nagdedeklara ng national emergency dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa at nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay pangulong duterte ang pagsusumite nito ng lingguhang report.

Kinakailangan nakpaloob sa report ang halaga at pinaggamitan ng mga pondo para sa programa laban sa COVID-19.

0 comment

Related Posts