Kobe Bryant kabilang sa finalists para sa 2020 Basketball Hall of Fame

Kobe Bryant kabilang sa finalists para sa 2020 Basketball Hall of Fame

by Powered by DWIZ
38 views

Napabilang sa walong finalists para sa 2020 Basketball Hall of Fame si 5x NBA Champion Kobe Bryant.

Inanunsyo ito kasabay ng pagsisimula ng tatlong araw na NBA All Star Weekend sa Chicago.

Si Bryant ay nakikilala bilang ika-apat sa all-time NBA scoring, nakakuha ng 5 NBA championship sa kanyang 20 taong paglalaro sa LA Lakers, dalawang beses naging NBA finals MVP at isang league MVP.

Kasama ni Bryant sa mga finalists ang mga dating NBA stars na sina Tim Duncan, Kevin Garnett at Chris Bosh.

Gayundin ang mga dating Women’s National Basketball Association Stars Swin Cash at Tamika Catchings at iba pang nakagawa ng kasaysayan sa basketball.

Magugunitang, nasawi si Bryant sa helicopter crash kasama ang kanyang anak na si Gianna noong Enero.

0 comment

Related Posts