Klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Batangas kanselado pa rin ngayong araw

Klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Batangas kanselado pa rin ngayong araw

by Powered by DWIZ
16 views

Kanselado pa rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Batangas, ngayong araw ng Lunes, January 20.

Batay sa inilabas na memorandum ni Batangas Governor Hermilando Mandanas, ang naturang hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Samantala, nananatili naman sa alert level 4 ang status ng bulkang Taal.

0 comment

Related Posts