35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

King of KPOP G-Dragon matagumpay na natapos ang mandatory military service

- Advertisement -

Nagbabalik ang Bigbang leader na si G-Dragon matapos ang kanyang mandatory military service sa South Korea.

Umaga ngayong Sabado, Oktubre 26, matagumpay na na-discharge si G-Dragon at sinalubong ng halos 3,000 na mga taga-hanga na naghihintay sa paglabas nito.

Tinagurian isa sa mga pinakahihintay na military discharges ang pagtatapos ng mandatory military service ni Kwon Jiyong o mas kilala bilang GDragon.

Nandoon din naghihintay sa kanyang paglabas ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Samantala, nagdiwang naman ang mga taga-hanga ni Jiyong sa China sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan niya sa sikat na Shanghai Twin Towers.

Nag-trending naman sa #1 sa buong mundo ang pagbabalik nito.

Magugunitang pumasok sa mandatory military service si Kwon noong February 27, 2018.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -