- Advertisement -
Nakatakdang maglabas ng bagong kanta ang aktres na si Kim Chiu bilang pagpupugay sa katatagan ng mga Filipino sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis sa bansa.
Sa kaniyang instagram account, ibinahagi ni Kim na ilalabas niya ang kaniyang bagong single na pinamagatang “Wag Kang Bumitaw” sa kaniyang kaarawan sa darating na Abril 20.
Ito ay upang ipaalala aniya sa mga Pinoy na hindi sila dapat sumuko sa harap ng problemang ito, basta’t aniya sama-sama at mananatiling may pananalig sa Panginoon.
- Advertisement -