Radio Philippines Network
Headlines Sports & Entertainment

KC Montero, 120 iba pa arestado sa paglabag umano sa physical distancing sa isang resto-bar sa Makati

Arestado sa ikinasang raid ng pulisya ang aktor at TV host na si KC Montero, at nasa 120 iba pa, dahil sa umano’y paglabag sa mass gathering restrictions, kabilang na ang social distancing rules, sa Makati City.

Hinuli ng Makati City Police si Montero, kasama ang kanyang asawa, sa isang resto-bar sa 18th floor ng isang condominium sa Salcedo Village sa Barangay Bel-Air.

Sa naturang bilang naman, 91 ang mga customer habang 19 ang empleyado ng naturang establisyimento.

Ayon kay Makati police chief Col. Oscar Jacildo, ikinasa nila ang naturang raid makaraang makatanggap ang mga ito ng ulat hinggil sa nakaraang operasyon ng resto-bar kung saan nagdaraos umano ito ng mga exclusive gatherings nang hindi pinaiiral ang physical distancing.

Magugunitang sa ilalim ng general community quarantine, na nakasailalim ang Metro Manila, hindi pa pinapayagang mag-operate ang mga bars.

Depensa ni Montero, nagpunta lamang sila ng kanyang asawa sa naturang bar upang maghapunan.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang may-ari at representative ng resto-bar at iginiit na wala silang nilabag na violation at kanilang sinusunod ang pagbabawas ng capacity measure sa kanilang restaurant.

Plano namang patawan ng otoridad ang mga naaresto ng paglabag sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act of 2018″.

Samantala, habang hindi pa napapatawan ng multa ang mga ito ay dinala muna sila sa isang covered court sa Barangay Guadalupe Nuevo upang doon mag-obserba ang physical distancing.

Related posts

CVR ng bumagsak na eroplano sa NAIA natagpuan na

Powered by DWIZ

Marcial titiyak na lalaban sa Olympics kahit inaalok bilang pro boxer

Powered by DWIZ

Panelo sinopla si Sison kaugnay sa anti-NPA task force ni Pangulong Duterte

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More