Home Headlines Kaso vs. 4 dating mga kongresista na miyembro ng Makabayan Bloc ibinasura...

Kaso vs. 4 dating mga kongresista na miyembro ng Makabayan Bloc ibinasura ng korte

0

Tuluyan nang ibinasura ng Cabanatuan City Regional Trial Court ang kasong double murder laban kina NAP-C Chairman Liza Maza, Dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casino.

Ito ay matapos katigan ni Cabanatuan City RTC Branch 28 Judge Trese Wenceslao ang inihaing motion for reconsideration ng apat na dating mambabatas.

Batay sa desisyon ni Wenceslao, walang nakitang matibay na batayan sa kasong double murder laban sa apat na dating mambabatas dahilan kaya pinagbigyan ang kanilang mosyon at pinababawi ang warrant of arrest laban sa mga ito.

Kasunod nito, tuluyan na ring ipinawalang saysay ang kasong double murder laban kina Maza, Mariano, Ocampo at Casiño.

Gayunman, tuloy ang pagdinig ng kaso laban sa iba pang mga akusado.

Kaso vs. 4 dating mga kongresista na miyembro ng Makabayan Bloc ibinasura ng korte was last modified: August 13th, 2018 by Krista De Dios

Exit mobile version