35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Kaso ni Sen. De Lima maling impormasyon ang natatanggap ng US Senators—Palasyo

- Advertisement -

Tiwala ang Malacañang na maling impormasyon ang natatanggap ng mga Senador sa Estados Unidos hinggil sa kaso ni Sen. Leila De Lima.

Ito ang naging reaksyon ni Presidential spokesman Salvador Panelo matapos tuluyang ipasa ng mga senador sa Amerika ang resolusyon na naglalayong mapalaya si Sen. De Lima.

Ayon kay Panelo, ‘bias’ at hindi tamang mga impormasyon ang natatanggang ng mga dayuhang mambabatas.

Sa ilalim ng US Senate resolution number 142 na isinumite ni US Senator Ed Markey, kinondena nito ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa umano’y kuwestiyunableng pagkakakulong ni De Lima, at hiniling ang agad na paglaya nito.

Paliwanag ni Panelo, hindi naman gawa-gawa ang mga kaso laban kay De Lima at naayon sa saligang batas ang pagkakakulong nito.

Aniya, kung manghihimasok na rin lamang ang mga US Senators sa bansa ay dapat na pag-aralan nila ng mabuti ang batas sa Pilipinas.

Una rito, ikina-insulto ng Malacañang ang banta ng Estados Unidos na huwag papasukin sa Amerika ang lahat ng mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong ni De Lima.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -