32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa mahigit 15,000 —DOH

- Advertisement -

Pumapalo na sa 15,049 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kasunod na rin ito ng dagdag na 380 mga bagong kaso ng nasabing virus ngayong Miyerkules, Mayo 27.

Samantala, 18 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing virus kayat nasa 904 na ang death toll.

94 ang mga bagong recoveries mula sa COVID-19 sa nakalipas na 24 oras kayat umakyat na sa 3,506 ang total recoveries sa nasabing virus.

Sa mga kumpirmadong kaso, nasa 10,639 ang aktibong kaso o sumasailalim sa gamutan o quarantine.

Ang nasabing bilang ng mga bagong kiumpirmadong kaso ay ikalawang pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 simula nang magkaruon ng kaso ng nasabing virus sa bansa.

Abril 6 nang maitala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 na nasa 414.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -