33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kamara tiniyak na walang pork barrel sa panukalang budget

- Advertisement -

Tiniyak ng liderato ng kamara na susundin pa rin nila ang naging kautusan ng Korte Suprema ukol sa kontrobersyal na PDAF o Priority Development Assistance Fund na mas kilala bilang Pork Barrel Fund.

Ito ang inihayag ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya kasunod ng deliberasyon ng Kamara sa panukalang budget para sa susunod na taon.

Ginawa ni Andaya ang pahayag kasunod na rin ng pagbubunyag ni Senador Panfilo Lacson sa umano’y daan-daang bilyong pisong nakatagong pork barrel sa nasabing panukala.

Magugunitang idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa saligang batas ang pork barrel fund noong 2013 kasunod ng isyu ng PDAF scam na kinasasangkutan ni Janet Lim Napoles at ng ilang mambabatas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -