Kamara desididong ipagpatuloy ang plenary debate sa panukalang amyendahan ang konstitusyon

0
61

Desidido pa rin ang Kamara na ipagpatuloy ang plenary debate para sa panukalang batas na naglalayong ma- amyendahan ang konstitusyon.

Ito ay kahit pa nagbabala na ang mga senador na magiging dead on arrival lamang ang naturang panukalang batas sa senado.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, yun na lamang ang natitira sa mga agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state of the nation address na hindi pa naipapasa.

Ito aniya ang kanilang tututukan sa natitira pang araw ng kongreso bago ang christmas break.

Layon ng naturang panukalang batas na baguhin ang kasalukuyang porma ng gobyerno para sa maging federal system.