Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Kalusugan ng mga evacuees na apektado ng pagputok ng Taal binabantayan ng DOH

Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga nasa evacuation centers matapos maapektuhan nang pagputok ng Bulkang Taal.

Ipinabatid ni Health Secretary Francisco Duque III na maraming matatanda na ang nakaranas ng trauma matapos mag-alburuto ang Bulkang Taal.

Mayroon aniyang mga nakadeploy na psychosocial health officers katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tingnan ang kalagayan ng evacuees.

Para naman sa mga bata, sinabi ni Duque na idina-divert nila ang atensyon at ini-iiwas sa trauma ang mga ito sa pamamagitan ng book reading, pagpapalaro at religious activities.

Samantala, binabantayan din ng DOH ang posibilidad na dumami ang mga nagkakasakit sa mga evacuation center.

Related posts

Umano’y banta ng terrorismo sa araw ng Traslacion tinututukan ng PNP

Powered by DWIZ

Mga opisyal ng Manila Water nakatakdang humarap sa Senado

Powered by DWIZ

COVID-19 cases sa QC nadagdagan pa ng 10

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More