Home National News Kalahating milyong piso halaga ng shabu nasabat sa Bacolod

Kalahating milyong piso halaga ng shabu nasabat sa Bacolod

0

Nasabat sa ikinasang buy bust operation ang labing walong (18) sachet ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso sa Bacolod City.

Nasabat ang droga mula sa ‘di pinangalanang suspek sa barangay Singcang-Airport.

Ayon kay Bacolod Police Commander Chief Inspector Ruel Culanag, maaaring naipuslit ang droga mula sa Northern Negros.

Inaalam na ng mga awtoridad kung kanino nakuha ng nahuling suspek ang naturang mga droga.

—-

 

 

 

Kalahating milyong piso halaga ng shabu nasabat sa Bacolod was last modified: August 10th, 2018 by Ralph Obina

Exit mobile version