33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Kahandaan ng bansa sakaling umabot sa global pandemic ang COVID-19 tiniyak ng DOH

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kahandaan ng bansa sakaling umabot sa global pandemic ang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sinegundahan ni Health secretary Francisco Duque III ang pahayag ng World Health Organization (WHO) na may potensyal na maging pandemic ang COVID-19 dahil sa dami at bilis ng pagkalat ng virus.

Sinabi ni Duque na kasado na ang protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at tuluy-tuloy ang ginagawa nilang pagsasa-ayos nito.

Unang linggo pa lang ng Enero pina-igting na natin ang mga surveillance natin at ang ating isolation, detection, ang contact tracing, convention measures –lahat naman po ito ating pina-igting na at tuloy-tuloy ang pagpapalakas pa rin ng ating mga Sistema at mga gawain,” ani Duque. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -