30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Kabuuang bilang ng mga health workers na may COVID-19 nasa 2,437 na

- Advertisement -

Umakyat na sa 2,437 ang bilang ng mga health workers na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa kabuuang bilang 1,213 dito ang aktibong kaso kung saan 292 ang asymptomatic, 919 ang mild cases at dalawa ang nasa malubhang kondisyon.

Aniya, nasa 305 naman ang mga non-medical staff na tinamaan ng naturang sakit.

Samantala, pumalo naman sa 1,193 ang mga health workers na nakarekober sa sakit habang nananatili parin sa 31 ang nasawi simula pa noong May 10.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -