33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Justice De Castro tinanggap na rin ang nominasyon para sa CJ post

- Advertisement -

Tinanggap na rin ni Associate Justice Teresita de Castro ang awtomatikong nominasyon para maging susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Dahil dito, aabot na sa apat na senior justices ng Korte Suprema ang pormal na tinanggap ang kanilang nominasyon para sa pagka-Chief Justice.

Una nang tinanggap nina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Andres Reyes Jr. ang nominasyon sa kanila.

Samantala, tinanggihan naman ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ang nominasyon, dahil ayaw umano niya makinabang sa naging desisyon ng mayorya ng mga mahistrado na pumabor sa quo warranto laban kay Atty. Maria Lourdes Sereno.

Ito na ang huling araw na tatanggap ang Judicial and Bar Council o JBC ng aplikasyon at nominasyon para sa susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -