Julia Montes balik showbiz na

Julia Montes balik showbiz na

by Powered by DWIZ
30 views

Excited na ang mga fans ni Julia Montes sa kanyang pagbabalik showbiz.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng talent manager ni Julia na si Erickson Raymundo ang pagbabalik sa pag gawa ng proyekto ng aktres.

Aniya, maraming proyekto ang naka line up para kay Julia kaya naman magiging very busy ang 2020 nito.

Mukha namang teleserye ang buena manong project ni Julia sa ABS CBN matapos na i-welcome mismo siya ni Deo Endrinal na siyang pinuno ng Dreamscape ang production ng Kapamilya network para sa kanilang mga teleserye.

Bumaha naman ang pagbati kay Julia ng kanyang mga kasamang artista tulad nina Bea Alonzo, Dimples Romana, Ogie Diaz at iba pa.

Napabalitang nagpahinga sa showbiz si Julia matapos na magbuntis at manganak sa kanilang anak ni Coco Martin ngunit wala naman kinumpirma dito ang magkabilang panig.

 

0 comment

Related Posts