30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Julia Barretto binura na ang lahat ng larawan ni Joshua Garcia sa IG

- Advertisement -

Tila wala nang tsansang magbabalik pa ang real Joshlia o ang relasyon nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ito ay matapos na burahin ni Julia ang lahat ng mga nakapost na picture ni Joshua sa kanyang Instagram account.

Kabilang sa mga binura ni Julia ang larawan nilang magkasama habang nagtatrabaho sa kanilang teleserye noon na ”Ngayon at Kailanman” na nagtapos noong nakaraang taon.

Ang pasiya ni julia na burahin ang mga larawan ni Joshua ay nangyari ilang araw lamang matapos mapaulat na inunfollow ng aktres sa instagram ang dating kasintahan at bagong ka-love team nito na si Janella Salvador.

Ilang linggo lamang din ang nakakaraan ng sabihin ni Joshua sa presscon ng kanilang pelikula na namiss niya si Julia na sinang-ayunan naman ng aktres.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -