Julia Barreto, nagsalita kaugnay sa bagong loveteam ng dating nobyong si Joshua Garcia

Julia Barreto, nagsalita kaugnay sa bagong loveteam ng dating nobyong si Joshua Garcia

by Powered by DWIZ
39 views

Inamin ng aktres na si Julia Barretto na masaya siya para sa bagong ka-love team ng kanyang dating nobyo na si Joshua Garcia.

Ayon kay Julia, nakakatuwa at nakaka-proud na nakakapag-explore si Joshua kasama ang iba’t-ibang leading ladies gaya na lamang ni Janela Salvador.

Maituturing aniya na cheerleader siya ng kanyang ex-boyfriend dahil sinusuportahan parin niya ito sa mga nakakamit nito at nais pang kamitin bilang aktor at bilang tao.

Iginiit naman ni Julia na naka-move on na siya sa kanilang hiwalayan at nagpapasalamat na lamang siya sa mga Joshlia fans na nakakaunawa at patuloy na sumusuporta sa kabila ng kanilang hiwalayan.

0 comment

Related Posts