33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

J&T Express ikinagulat ang nagviral na video ng mga empleyado, nag-sorry

- Advertisement -

Nanghingi ng paumanhin ang courier service na J&T Express sa publiko matapos ang viral video hinggil sa walang pakundangang pagtatapon ng ilang empleyado nila ng mga parcel o padala sa delivery van ng kumpanya.

Kasunod na rin ito nang pag-amin ni J&T Express Vice President Zoe Chi na nagulat siya sa naturang viral video.

Sinabi ni Chi na inaako nila ang responsibilidad sa nasabing pangyayari kasabay na rin nang pagkakasa ng mga reporma tulad nang pagbuo ng bagong quality control team, retraining ng kanilang mga empleyado at pagbabayad sa mga naapektuhang customers.

Gayunman, iginiit ni J&T Express branding manager Leonardo Alampay na isolated case lamang ang insidente na malinaw na paglabag sa kanilang company standards.

Mayroon aniya silang sistema para ma-track ang kada parcel at matukoy ang lahat ng mga empleyado na may hawak nito.

Tiniyak din ni Alampay na pinanagot na nila ang mga sangkot sa insidente maging ang tauhan nilang nag-video rito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -