Naniniwala si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison na napilitang magbitiw sa puwesto si Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza.
Ayon kay Sison, nagulat sila nang marinig ang pagbibitiw ni Dureza gayong ang alam nila malapit ang dalawa at mayroong tiwala sa isa’t isa.
Hindi hamak aniyang mas madaling kausap si Dureza kumpara kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Sison na hindi siya naniniwalang korupsyon ang siyang dahilan ng pagpapatalsik sa dalawang undersecertaries ni Sison na naging dahilan ng pagbibitiw naman ni Dureza.
—-