Radio Philippines Network
National News

Jolo PNP pulis na nakapatay sa 4 na sundalo may pagkakamali — PNP

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na may pagkakamali ang mga pulis ng Jolo PNP na nakapatay sa apat na sundalo.

Ayon kay Police Brigadier General Bernard Banac, spokesman ng PNP, nakapagtataka na tumakas ‘di umano sa crime scene ang mga sangkot na pulis sa halip na antayin ang SOCO team na syang tamang protocol sa insidente ng krimen.

Sinabi ni Banac na iniimbestigahan na ngayon ng NBI ang spot report ng PNP Jolo sa insidente.

Batay sa sport report ng Jolo PNP, sinita ng mga pulis ang apat na armadong lalake sa Sitio Marina Jolo, Sulu.

Nagpakilala umano silang mga sundalo subalit sinabihan sila ng mga pulis na magtungo sa Jolo Municipal Police Station para sa verification.

Gayunman, pagdating umano sa istasyon ng pulisya ay tinangkang tumakas ng mga sundalo kayat hinabol sila ng mga pulis.

Dahil dito ay bumaba umano ng kanilang sasakyan ang apat na sundalo at itinutok ang kanilang baril sa mga pulis kaya’t napilitang magpaputok ang mga pulis na ikinasawi ng apat na sundalo.

Una nang tinawag na murder ni Army Chief Lt. General Gilbert Gapay ang pagpatay sa apat nyang sundalo.

Imposible aniyang nakipagbarilan ang mga sundalo nang wala man lang tinamaan kahit isa sa syam na pulis na kanilang naka-engkwentro.

Related posts

LCP inilunsad ang ‘covid ask force’

Powered by DWIZ

Libo-libong mga Muslim dumagsa sa Quirino Grandstand sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Powered by DWIZ

Albayalde nag-anunsiyo na ng kanyang ‘non-duty’ status

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More